Inihayag ng Dagupan Electric Corporation o DECORP na mayroong pagbaba pagdating sa generation charge ng kanilang rate kung saan mula sa 4.83 centavos noong buwan ng Pebrero ngayon ay bumababa ito ng 4.68 ngayong buwan ng Marso ngunit ayon sa kanilang opisina ay hindi pa ito ang kabuuan na rate record nila.

Ayon kay Atty. Randy Castillan, Legal Officer ng DECORP ngayong nagsisimula na rin na maramdaman ang ainit at maalinsangan na panahon isa sa aasahan ngayon ng kanilang consumers ang pagkakaroon sa taas ng singil sa kuryente lalong Lalo na sa buwan ng Mayo dahil ito ang peak sa mataas na demand sa paggamit ng kuryente.

Kung kaya’t aniya na dapat na ring simulan ang paglilinis ng mga appliances sa bahay na isa sa paraan upang makatipid sa konsumo ng kuryente gaya na lamang ng aircon, eletricfan, refrigerator at iba pa.

--Ads--

Gayundin sa paggamit ng mga ilaw at television kung hindi naman anya kinakailangan o walang gumagamit mas mainam na patayin na lamang at sigurodahin din na naka unplug ang mga saksakan bago matulog at umalis ng Bahay para makaiwas na rin sa insidente ng sunog.

Samantala, may panawagan at paalala naman si Castillan sa publiko na huwag maniniwala sa mga taong nag-aalok ng gadgets at sasabihing makakabawas sa pagkonsumo ng kuryente. Bukod dito ay may panawagan din ang tanggapan sa darating na earth hour sa araw ng sabado.