Muling pinakilig ng Blackpink ang milyun-milyong K-pop fans sa buong mundo matapos nilang simulan ang kanilang pinakabagong concert series, ang “Deadline World Tour,” nitong Hulyo 5 sa Goyang Sports Complex, Gyeonggi.
Ang iconic tagline na “Blackpink in your area!” ay muling nagpasabik sa mga fans.
Simula nang sila’y mag-debut noong 2016, sina Jisoo, Jennie, Rosé, at Lisa ay naging isa sa mga pinakamatagumpay na pop groups sa buong mundo.
Maliban sa musika, sila rin ay mga fashion icon, brand ambassador, at influencers na inaabangan sa iba’t ibang industriya.
Sa pagbubukas ng kanilang world tour, isinorpresa ng grupo ang fans sa debut performance ng kanilang bagong kantang “Jump,” ang unang original track mula noong inilabas nila ang album na “Born Pink” noong Setyembre 2022.
Ang Goyang concert ay opisyal na nagsimula ng isang massive world tour na magdadala sa Blackpink sa 31 shows sa 16 lungsod sa iba’t ibang panig ng mundo.