Pinasasagot ni senador Riza Hontiveros ang Department of Budget Management (DBM) sa diumano’y overpriced na pagbili ng gobyernong Duterte sa personal protective equipment (PPE) sets.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi ni Hontiveros na dapat klaruhin ang kinukuwestyun na procurement service ng Department of Budget and Management (DBM)
Malinaw aniya na mahigit P1 bilyon ang nawala sa pondo ng gobyerno sa ginawang pagbili ng (DBM) ng overpriced na PPEs na karamihan ay sa Chinese firm.
Bagama’t lumagda aniya ang DBM na apat na kontrata sa mga lokal na kumpanya, kabilang ang Hafid N’ Erasmus na may pinakamurang PPE sa presyong P1,7000, sinabi ni Hontiveros na lumagda din ang DBM na marami pang kontrata sa mga Chinese company na mas mataas ang presyo.
Giit niya na dapat ayusin ng DBM ang pagsagot dahil pera ng taumbayan ang nakataya. Dapat aniyang sagutin ng malinaw at hindi sa pamamagitan ng mga datos.
Ipinagtataka rin ng ng senador kung bakit mas inuna ang foreign companies gayung may mga lokal na kompanya na kaya ring gumawa ng mga PPE.
Hindi umano dapat sinasabi ng DBM na walang kakayanan ang mga lokal na kompanya dahil may ilang mga lokal na kampanya na kayang gumawa ng hanggang 2 million facemask kada buwan at mayroon din silang sister company na gumagawa ng PPE.




