DAGUPAN CITY- Batay sa datos ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), umabot na sa 864 barangay, 40 munisipalidad, at 4 na ciudad ang apektado sa lalawigan ng Pangasinan dulot ng nararanasang sama ng panahon.

Ayon kay Vincent Chiu, Operations Supervisor ng naturang ahesnya, ito ay may katumbas na 320,404 na mga pamilya ang apekto at maaari pa umano tumaas ang bilang, partikular na sa Western Pangasinan.

Aniya, umabot naman sa higit P348-million ang apektado sa agrikultura, higit P3-million sa livestocks, at higit P400-million sa imprastraktura.

--Ads--

Nananatili pa ang 15 munisipalidad at 3 ciudad ang nasa ilalim ng state of calamity at ito ay may mga residente na nananatili pa rin sa evacuation centers.

Ito ay ang ciudad ng Dagupan, San Carlos, at Alaminos, bayan ng Aguilar, Anda, Bani, Basista, Bayambang, Binmaley, Calasiao, Dasol, Lingayen, Mabini, Malasiqui, Mangatarem, Sta. Barbara, at Umingan.

Bagaman hindi nila inaalis ang posibilidad na ideklara ang Province-wide state of calamity subalit, kailangan pa nito ng rapid damage assessment data analysis at pag-aralan ang mga datos.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang kanilang relief operations sa mga lugar na nananatiling apektado pa ng pagbaha.

Bumisita na rin umano si Gov. Ramon “Monmon” Guico III sa mga ito.

Patuloy naman ang kanilang isinasagawang clearing operations sa mga lugar na may nagsitumbahang puno at poste ng kuryente.