Binatikos ni Sen. Francis “Tol” Tolentino ang mataas na natilaang kaswalidad ng Philippine Atmospheric, Geophysical andd Astronimical Services Adminsitration (PAGASA) dulot ng Severe Tropical Storm Kristine.
Ayon kay Tolentino, mas mapaghahandaan ng mga apektadong local government units at mga residente ang bagyo kung nagawa lang ng Pagasa ang accurate data sa bilang at lakas ng pag-ulan sa mga tiyak na lugar.
Aniya, naging itinaguyod niya noong nakaraang taon ang pagtaas ng budget ng naturang ahesnya para sa karagdagang kagamitan.
At nakabase ang paghahanda ng gobyerno sa impormasyon na nagmumula sa weather bureau.
Kaniyang idiniin naman na mas mabuting bumaba na ang mga namumuno sa Pagasa kung hindi naman nila magawang magbigay ng wastong datos.
Sa ngayon ay wala pang komento si Pagasa Administrator Nathaniel Servando sa pahayag ni Tolentino.