Inihayag ni dating US president Donald Trump na hindi siya lalahok sa pangalawang TV debate bago ang nalalapit na halalan sa Nobyembre.

Habang tinanggap ni US vice president Kamala Harris, ang kandidato ng Democratic Party, ang imbitasyon para sa debate sa isang tv network sa Oktubre 23, sinabi ni Trump, kandidato ng Republican, sa isang rally na “huli na” dahil nagsimula na ang botohan.

Ayon sa kampo ni Harris, kung inaangkin ni Trump na siya ang nanalo sa kanilang naunang debate sa Philadelphia noong nakaraang buwan, dapat niyang tanggapin ang bagong imbitasyon.

--Ads--

Ipinakita ng mga snap poll matapos ang nasabing debate na karamihan sa mga manonood ay naniniwala na mas mahusay ang pagganap ni Harris kaysa sa kanyang katunggali.

Pagkatapos ng debate noong Setyembre 10, sinabi ni Trump na wala nang magiging karagdagang debate.

Sa isang rally sa Wilmington, North Carolina noong Sabado, inangkin niyang siya ang nanalo sa naunang debate at sinabing “huli na” para sa isa pa.

Sa isang pahayag i ng tagapangulo ng kampanya ng Harris-Walz na si Jen O’Malley Dillon na nais ng mga Amerikano ng makita sina Harris at Trump na magdebate sa isa pang pagkakataon bago ang halalan sa Nobyembre.