Maituturing na “bad day” para kay dating US President Donald Trump ang pagkakasangkot nito sa multiple criminal referrals matapos ang isinagawang pagdinig ng US justice department ukol sa naganap na Januray 6 US Capitol riot na ikinasawi ng maraming indibidwal.
Ayon kay Bombo International Correspondent Isidro Madamba Jr., sa pagsalang ng dating whitehouse aide ni Trump na si Cassidy Hutchinson sa witness stand,nagkaroon umano ng masamang asal ang dating presidente ng US dahil sa naging resulta ng eleksyon at alam din umano niya na armado ang mga tagasuporta nito na lumusob sa US Capitol.
Aniya, nakita din sa mga nadaang mga imbestigasyon na may mga dating kasamahan si Trump na humingi na ng pardon dahil sa pagbibigay ng witness stampering.
May posibilidad din umano na baka maimbitahan sa susunod na pagdinig ang dating pangulo kaugnay sa nasabing insidente.
Sa ngayon ay mas tinitutukan pa ng mga Justice department committe ang naturang kaso at pagtugon sa pagkakasangkot ni Trump sa nabanggit na insidente.
Matatandaang noong January 6, 2021 naganap ang pag-atake ng nasa higit 2000 na mga tagasuporta ng dating Presidente sa US Capitol matapos manalo noon sa electoral votes si US President Joe Biden.