DAGUPAN CITY–Nahaharap sa kasong frustrated murder ang isang dating pulis matapos pagbabarilin ang isang active member ng PNP sa barangay Lagasit sa bayan ng San Quintin Pangasinan.

Ayon kay Police Lt. Benedict Espinoza, Officer In-Charge ng San Quintin PNP, ang biktima na naassign sa Tayug PNP, ay nasa farm nito nang bigla nalang may lumapit sakanyang riding in tandem at pinagbabaril ito.

Nagtamo ng dalawang tama sa tagiliran ang biktima kayat agaran itong dinala sa ospital.

--Ads--

Sa naging imbestigasyon naman ng kapulisan ay lumalabas na may dating alitan ang suspek at biktima na siyang tinitignan nilang motibo sa pamamaril.

Ang dating alitan ay nagsimula nuon pang nasa serbisyo ang suspect at magkasama pa sila ng biktima sa iisang unit.

Police Lt. Benedict Espinoza, Officer In-Charge – San Quintin PNP

Ang suspect ay natunton na ng kapulisan sa bahay nito at kasalukuyang nasa kustodiya na ng nasabing himpilan.

Bagamat hindi pa umaamin ang suspek sa nasabing pamamaril ay inihahanda na ang karampatang kaso laban dito dahil natukoy ito ng biktima at may mga testigo na nakasaksi sa insedente.