Nasa kamay na ng mga tauhan ng Philippine National Police Intelligence Group ang dating pulis na pinuno ng Gun for Hire Group sa lalawigan ng Pangasinan.

Paglalahad ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar sumuko na si dating Police Lt/Col. Wilson Magpali na pinuno ng kilabot na Magpali Gun for Hire Group.

Si Magpali ang siyang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang huling State of the Nation Address o SONA .

--Ads--

Ayon kay Eleazar, nakaramdam umano ng matinding pressure si Magpali kaya’t agad siyang nagpasama sa kaniyang abogado patungong Kampo Crame.

Isang affidavit ang isinumiti nito upang linisin umano ang kaniyang pangalan.

Matatandaan na nasibak si Magpali matapos masangkot siya sa ilang kaso gaya ng pagpatay sa isang Fredi Ramirez nuong 2019 at tangkang pagpatay sa pamilya ni La Union Rep. Sandra Eriguel bagay na mariin niyang itinanggi.