DAGUPAN, CITY – Pinagbabaril-patay ang isang dating preso sa barangay Doyong sa bayan ng Calasiao.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay kagawad Henry Ferrer, isa sa mga nakasaksi sa insidente, habang nasa lamayan nang nakarinig sila na 2 putok ng baril.
Matapos umano nito, nakitang tumakbo ang biktima palapit sa lamayan upang humingi ng tulong.
Ayon kay Ferrer, nagtamo ng 2 tama ng baril sa kanyang likod. Isinugod pa sa ospital ang biktima sa lungsod ng San Carlos at nailipat pa sa isang pagamutan sa lungsod ng Dagupan ngunit ideneklarang namatay pasado ala-una ng madaling araw ngayong Martes.
Naganap umano ang insidente pasado alas-otso ng gabi ng Lunes at napag-alaman na ang mga suspek sa pamamaril ay lulan ng isang itim na motor.
Batay sa talaan ng naturang barangay, ang biktima ay dati nang nasangkot sa kaso ng papugot ng ulo ng isang tao na taong 2010 at natapos naman na nito ngayong taon ang kanyang sentensya.
May ilan din umano silang natatanggap na mga reklamo tungkol sa biktima ngunit sa ngayon ay blanko pa sila sa utak sa naturang krimen.
Itinuturing naman nilang isolated cases ang naturang insidente.
Matapos ang nabanggit na krimen, naireport na ito sa mga kapulisan at iniimbestigahan na ang motibo ng mga suspek sa pamamaril.