Disididong magsampa ng kasong rape ang isang anak laban sa kanyang ama na nanggahasa sa kanya sa barangay Tebag sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.
Tatlong buwan nang buntis ngayon ang biktima.
Ayon sa salaysay ng biktima, April 29 nang simulang gahasain siya ng kanyang ama na dating pastor.
--Ads--
Pitung ulit daw siyang ginahasa ng ama sa mismong kanilang tahanan.
Hindi siya agad na nakapagsumbong dahil tinakot siya ng kanyang ama.
Inamin ng suspek ang panggagahasa pero pinabulaanan na siya ang nakabuntis sa anak.
Nabatid na laging wala ang kanyang ina sa kanilang bahay dahil nagtitinda ito ng gulay sa palengke.
Giit ng biktima na nagpasya na itong magsampa ng kaso para na rin sa mga maliliit na kapatid at nang hindi na ito maulit pa.




