Dagupan City – Kinakailangang humarap sa korte suprema si dating Pangulong Rodrigo Duterte kung mapatunayang may anumalya sa kampaniya ng kaniyang administrasyon na war on drugs.
Ayon kay Atty. Joseph Emamanuel Cera, Constitutional Lawyer, kung ang napaulat na kinasangkutan ni dating Benigno “Noynoy” Aquino III na isyu tungkol sa dengue vaccine Dengvaxia noon ay dinaluhan ni Aquino, dapat ay ganito rin ang gawin ng dating pangulong Duterte.
Ani Cera, kung wala namang itinatago si Duterte ay marapat lamang na humarap ito sa mga katanungang dapat na masagot alang-alang na rin sa pagpapakita ng katapatan sa publiko.
Lumalabas kasi aniya sa ulat na may mga inosenteng nagiging biktima sa isinagawang war on drugs kung saan ay pati ang mga pamilya ng mga hinihinalang suspek ay nadadamay sa isinaasagawang drug raid sa kani-kanilang kinaroroonan.
Dagdag pa ang ulat noon na may isang menor de-edad na nasawi dahil umano sa sinabing nanlaban o sangkot ito sa hinihinalang droga ngunit kalaunan ay luamabas na inosente ito.
Nilinaw naman ni Cera na ang Presidential Immunity ng isang dating pangulo ay hindi nangangahulugang may karapatan na itong talikuran ang mga naibabato sa kaniya, bagkus ay ayon kay Cera kung mapatunayan na may ebidensya at anumalyanmg naganap sa kaniyang kampaniya, walang sinuman umano ang makakapigil upang hatulan ito ng kaso.
Kaugnay nito, nasa higit 20,000 namang mag indibidwal ang nasawi mula sa drug on war ni Duterte, habang iniimbitahan naman sina dating presidente Rodrigo Duterte at si Sen. Ronald de la Rosa, ang dating PNP Chief, na bigyan linaw ang pagdinig sa drug on war.