Pinawalang sala ng Sandiganbayan si dating Pangasinan governor Amado Espino Jr. at limang iba pa sa kasong graft kaugnay sa alleged illegal black sand mining sa Lingayen Gulf area.

Sa 55-pahinang disisyon, pinawalang sala rin ng anti-graft court si dating Provincial Administrator Rafael Baraan, at mga private individuals na sina Cesar Detera, Edwin Alcazar, at Lolita Bolayog.

Matatandaan na noong 2016, ang Sandiganbayan Sixth Division ay nag isyu ng HDO laban kay Espino at 13 iba pang indibidual kaugnay sa kasong graft na isinampa ng Office of the Ombudsman dahil sa pagkakasangkot sa illegal black sand mining sa Lingayen Gulf.

--Ads--

Sinasabi sa alegasyon na umanoy nagsabwatan ang mga nabanggit na opisyal sa pagbibigay ng mga unwarranted benefits, privilege at advantage” sa Alexandra Mining and Oil Ventures Inc. at Xypher Builders Inc. upang makapag-operate sa nasabing lugar.