Nagpakamatay ang dating OFW na tubong Brgy. Banog Sur, sa bayan ng Bani, Pangasinan dahil sa depresyon bunsod nang posibleng hindi pa rin ito makabalik sa ibang bansa upang magtrabaho.

Ayon kay PCpl. Melchizedek Macaltao, Investigator on Duty ng Bani PNP , batay sa kanilang imbestigasyon, nagpatiwakal umano ang nasabing OFW, 28 anyos sa puno ng manggang malapit sa kanilang bahay gamit ang lubid.

Simula umano nang umuwi sa Pilipinas ang biktima mula sa ibang bansa ay nagsasaka na lamang ito.

--Ads--

Kinumpirma naman mismo ng asawa nito na nakararanas si Petalver ng depresyon bago mangyari ang insidente kaya’t napatunayang walang foul play na naganap at purely self-inflected lamang ang nangyaring insidente.

Labis naman ang panghihinayang at pagdadalamhati ng mga kaanak nito sa nangyari.

PCpl. Melchizedek Macaltao, Investigator on Duty – Bani PNP

Samantala, ayon sa kapulisan ay ito na ang ikatlong suicide incident na naitala sa bayan ng Bani ngayong taon.

Panghihikayat na lamang ng mga otoridad na huwag mahihiyang ilahad ang saloobin ng sinuman lalo na umano ang mga kababayang nakararanas ng kahalintulad na mental illness upang maiwasan ang naturang insidente.