Hustisya ang sigaw ng 29 anyos na dating OFW matapos na gahasain ng kanyang kapitbahay sa bayan ng Manaoag, Pangasinan.

Nabatid na bago umuwi ang biktima sa Davao ay nagbakasyon muna sa bahay ng kanyang kakilala sa barangay Pugaro, Manaoag.

Katatapos lang umanong naligo ito nang gahasain siya ng kapitbahay ng kanyang tinutuluyan.

--Ads--

Mag isa lang noon ang biktima sa bahay ng kaibigan nang mangyari ang pagsasamantala.

Ayon sa biktima, pinagbantaan umano siya ng suspek na siya ay papatayin kapag hindi pinagbigyan.

Agad namang naaresto ng mga otoridad ang 23 anyos na suspek.