Nanumpa bilang pangulo ng Indonesia ang dating military general na si Prabowo Subianto, habang inihayag niya ang pinakamalaking gabinete ng bansa mula noong 1960s.
Ang 73-taong-gulang, na naharap sa mga paratang ng pang-aabuso sa karapatang pantao sa loob ng mga dekada, ay inagurahan noong Linggo bilang ikawalong pangulo ng bansa.
Ito ay nagsasaad ng pagtatapos ng isang era sa ilalim ng dating pinunong si Joko Widodo, na kilala bilang Jokowi, na siyang namuno sa paglago ng ekonomiya at pag-unlad ng imprastraktura.
Matapos ang dalawang beses na pagkabigo na maging presidente si Prabowo ay sa wakas ay nakuha ag pagkapanalo ng higit sa 58% ng boto sa ginanap na halalan noong Pebrero.
Sa kanyang inauguration speech nitong linggo, nangako si Prabowo na pupuksain ang katiwalian, kahirapan, at sinabing siya ang magiging presidente para sa lahat ng Indonesian.