Dagupan City – Mariing pinabulaanan ni dating Mayor Ernesto Acain ang mga alegasyong iniwan niyang walang pondo ang munisipyo sa kanyang pag-alis sa pwesto, kasabay ng kanyang pagtindig sa maayos at transparent na pamumuno sa bayan ng Labrador, Pangasinan.

Ayon kay Acain, binigyang-linaw nito na umabot sa ₱174 milyon ang taunang budget ng munisipyo para sa taong 2025, na hinati sa tig-₱87 milyon para sa unang at ikalawang semestre. Sa unang bahagi ng taon (Enero hanggang Hunyo), ₱71 milyon lamang ang nagastos nito sa ilalim ng kanyang administrasyon, malayo sa buong halagang maaaring gamitin.

Bukod dito, mayroon pang ₱32 milyon na 20% Development Fund para sa buong taon, kung saan ₱16 milyon lamang dapat ang magagamit sa unang kalahati. Sa kabuuan, ₱13.85 milyon lang ang ginastos ng administrasyon Acain, kaya may ₱18.15 milyon pang natira at maayos na naipasa sa bagong administrasyong pinamumunuan ni Mayor Noel Uson.

--Ads--

Dagdag pa ng dating alkalde, isang malinaw na patunay na may naiwang sapat na pondo para sa pagpapatuloy ng mga programa at serbisyo sa bayan at hindi totoo ang alegasyon na walang naiwang pondo ang bayan.

Sa ngayon, tinatayang aabot sa ₱103 milyon ang maaaring gastusin ng administrasyon ni Mayor Uson mula Hulyo 1 hanggang katapusan ng Disyembre 2025, batay sa kabuuang budget ng taon at natitirang pondo sa kaban ng bayan.

Samantala, ipinagmalaki rin ni Acain na dalawang sunod na taon ay ginawaran ang Labrador ng Seal of Good Local Governance (SGLG), isang pambansang pagkilala mula sa DILG sa mga LGU na nagpapamalas ng mahusay na pamumuno at serbisyo.

Aniya, “unmodified” ang audit opinion ng Commission on Audit (COA), ibig sabihin, walang kuwestiyon sa mga transaksyon ng munisipyo sa ilalim ng kanyang termino. Wala ring naitalang disallowance o zero anomaly.

Sa huli, tiniyak ni Acain na ang kanyang administrasyon ay nag-iwan ng matatag na pundasyon para sa susunod na liderato, at umaasa siyang ipagpapatuloy ng bagong pamahalaang lokal ang pamana ng maayos, malinis at