Nakaranas ng deskriminasyon ang isang dating konsehal ng lungsod Dagupan at kanyang 24 anyos na kasambahay matapos tanggihan na bentahan ng may ari ng tindahan ng binibiling produkto.

Sa eskslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay dating city councilor Alex de Venecia, dahil ang asawa niyang doktor ay isa mga nagpositibo sa covid 19 ay mistula na silang pinandidirihan ng ilang residente sa kanilang lugar.

Dismayado ito na sila ay nilalayuan ng mga tao gayung wala naman silang sakit.

--Ads--

Dahil dito, umapila siya kay Dagupan City mayor Marc Brian Lim at sa ibang sektor na tulongan ang mga pamilya ng mga frontliners upang hindi sila makaranas ng deskriminasyon.

Ang kanyang apila ay hindi para lang sa kanyang pamilya na dumanas ng deskriminasyon kundi para na rin sa kaanak ng 14 na mga government workers na pawang mga frontliners na nagpositibo sa nasabing sakit.

Former City Councilor Alex de Venecia

Samantala, nais ni Denecia na gayahin ang Manila na may ordinansa na nagpapataw ng parusa sa mga tindahan na gagawa ng anumang uri ng deskriminasyon sa pamilya ng mga frontliners na nag-positibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi nito na nais niyang maging role model ang Dagupan sa pagpasa ng nasabing ordinansa.