Dagupan City – Nagbabala ang dating kasapi ng New People’s Army (NPA) sa publiko na huwag agad maniniwala sa magandang pangako kapalit ng pagkalas sa ilalim ng pamahalaan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Former Rebel na si alyas “Lando”, sa kaniyang pananatili kasi sa ilalim ng NPA nakita nito ang hindi patas na trato sa kanila.

Kung saan imbis na nakakain sila ng maayos ay hindi nila ito nakukuha at natatanggap dahil sa mga tinawag niyang “maling gawain”.
Kwento ni “Lando”, bago pa man ito makapasok sa samahan ay residente na ito sa lungsod ng Maynlia, ngunit dahil nga sa mabubulaklak na salitang kaniyang narinig na hindi pabor sa layunin ng pamahalaan, tuluyan din siyang naniwala at naki-anib sa kanilang kilusan.

--Ads--

Namalagi at nagsilbi rin ito sa grupo ng higit isang dekada, at dito na rin tumatak sa kaniyang isipan na kapag mahuhuli sila ng hanay ng kapulisan at militar ay papatayin ito kung kaya’t dito rin siya nabalot ng galit.

Dagdag pa ang pagkasawi ng kaniyang kapatid, kung kaya’t ganoon din kapursige si Landi na gumanti sa pamahalaan.

Isa sa kaniyang mga ginawang hakbang na ipinag-utos ng mga lider aniya ay ang pang-ambush, pang-raraid sa mga establishemento, at iba pang itinuring niyang ilegal.

Sa kabilang banda, napagdesisyunan naman nitong tumiwalag at tumakas nang nagkaroon na siya ng pamilya at napapansin na hindi patas ang trato sa kanila.

Mensahe naman nito sa mga dating kasamahan sa NPA, pag-isipang magbalik na sa pamahalaan at huwag magpalinlang sa armadong kilusan, dahil ginagamit lamang ang mga ito para kumita dahil ginawa lamang na ito bilang negosyo.