BOMBO DAGUPAN- Sumuko na sa National Bureau of Investigation si dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog kahapon makalipas ang 7 taon nitong pananatili sa abroad.

Sinalubong ng mga operatiba si Mabilog sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport bandang alas-11 ng umaga at nagmula siya sa New York, United States.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, inihain kay Mabilog ang warrant of arrest sa paglabag ng Republic Act no.3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Acts at ang Code of Conduct anf Ethical Standards.

--Ads--

Si Mabilog ay nasa kustodiya na ng National Bureau of Investigation – International Airport Investigation Division. Dinala rin siya sa Sandiganbayan para magpiyansa ng P90,000.

Isa naman siya sa mga naimbitahang resource person ng Quad Committee House Probe para sa pagdinig na gaganapin sa huwebes.

Matatandaan na na-tag si Mabilog bilang isang narco-politician noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.