DAGUPAN CITY- Muling naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region I ang isang dating drug surrenderee sa bayan ng Malasiqui noong 2017 matapos ang kanilang isinagawang buy bust operation.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Benjamin Gaspi, Director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region I, katuwang ang kapulisan ng naturang bayan, arestado ang kinikilalang alyas “Pokol”.
Sa pamamagitan ng kanilang monitoring at iba pang enforcement agencies ay napag-alaman ang pagbebenta ng illegal na droga ang suspek.
Nagmumula naman sa kalapit probinsya ang mga ibinebenta nitong droga kung saan personal niya itong kinukuha at inuuwi sa kanilang lugar.
Aniya, nahulihan ito ng humigit kumulang 10 grams ng hinihinalang shabu.
Dagdag pa ni Atty. Gaspi, maaaring maharap ang suspek sa hindi bababa sa 40 taon na pagkakakulong.