Nasawi na ang dating Detroit quarterback at assistant coach na si Greg Landry sa edad na 77.

Inanunsiyo ito ng The Lions s kanilang social media, ngunit hindi na sinabi ang sanhi ng pagkamatay.

Naglaro si Landry sa NFL mula 1968 hanggang 1981 kasama ang grupong the Lions bago maglaro sa Baltimore Colts. Pagkatapos ng dalawang season sa USFL, bumalik siya sa NFL at naglaro ng isang laro kasama ang Chicago Bears.

--Ads--

Noong 1976, nakamit niya ang parangal ng NFL’s Comeback Player of the Year pagkatapos pumasa sa 2,191 yarda at 17 TD.

Muling bumalik si Landry sa Lions noong 1995 bilang quarterbacks coach sa staff ng head coach na si Wayne Fontes.