DAGUPAN CITY- Sa muling pagtakbo nina dating Gov. Amado “Pogi” Espino III at dating Congressman at Gov. Amado Espino Jr. para sa Election 2025, ibinahagi ni Espino Jr. ang kaniyang pagkadesmaya sa naging pagbabago ng Kapitol at sa lalawigan.

Ayon sakaniya, nang maupo siya at ang kaniyang anak ay tiniyak nila ang seguridad sa Capitol Beach Front.

Gayunpaman, nang matapos ang kanilang termino ay tila pinabayaan na ito. Kaya pinapangambahan ni Espino Jr. ang pagbabalik ng lalawigan sa madilim na panahon.

--Ads--

Sinabi din niya, marami na ang kinakaharap na issue ang Kapitol sa kasalukuyan. Kabilang na rin dito ang pagputol sa mga matatandang puno sa likod ng Kapitolyo at sa Beach Front at ang nakaraang pagpaslang sa estudyante.

Dagdag pa niya, mistulang isang malaking Mosoleum na ang loob ng Capitol Complez.