Dagupan City – Nagsagawa ng opisyal na pagbisita sa Pamahalaang Bayan ng Binmaley si dating Commission on Elections (COMELEC) Chairman Benjamin Abalos Sr., kung saan siya ay malugod na tinanggap ni Mayor Pedro A. Merrera III kasama si PLTCOL Lister A. Saygo, Chief of Police ng Binmaley Municipal Police Station, at iba pang lokal na opisyal.
Naging pagkakataon ang pagbisita upang magkaroon ng makabuluhang talakayan at palitan ng mga pananaw hinggil sa iba’t ibang usaping may kinalaman sa pamamahala, kapayapaan at kaayusan, at pagpapaunlad ng komunidad.
Ipinakita rin ng pagtitipon ang kahalagahan ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsusulong ng mga programang makikinabang ang mga mamamayan.
Sa pagtatapos ng pagbisita, muling pinagtibay ng mga dumalo ang kanilang hangarin na palakasin ang ugnayan at pakikipagtulungan upang higit pang mapaunlad ang serbisyo publiko at matiyak ang kapakanan ng mga residente ng Binmaley.










