Hinihikayat ni Philippine Red Cross-Pangasinan chapter Chairman ang publiko na makipagtulongan sa pamamagitan ng pag do donate ng dugo sa darating na November 18, 2023.

Ayon kay Maybelen dela Cruz Fernandez, dating child actress na ngayo’y chairman ng Philippine Red Cross-Pangasinan chapter, kailangan ng blood supply sa mga blood centers kaya naman hiniling niya sa mga regular blood donnors na hikayatin ang kanilang mga kaanak at mga kaibigan na supportahan ang Dugong Bombo 2023.

Ang dating child star noong dekada 90 na si Fernandez ay panauhin sa nasabing bloodletting activity na gaganapin sa tatlong venues sa lalawigan ng Pangasinan.

--Ads--

Si Maybelen dela Cruz Fernandez ay gumanap noon sa isang sitcom sa telebisyon na home along da riles, ngunit kalaunan mas piniling mabuhay na malayo sa showbiz at nagpakasal kay Dagupan city councilor Michael Fernandez.

Nagsimula siyang Red cross Volunteer hanggang sa maging chairman ito ng nasabing organisasyon.

Giniit nito ang kahalagan ng pagdodonate ng dugo para sa mga nangangailangan.

TINIG NI MAYBELEN DELA CRUZ