DAGUPAN CITY–Nakatakda ng ilibing ngayong umaga si dating CBCP president at Lingayen – Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa Sanctuaryo de sa Juan Evangelista.

Bilang pagsunod sa safety proctocols, taging ang mga pari, obispo at malalapit na kamag anak lang ni arch. Cruz ang pinapahintulutang makapunta sa libning.

Pero ayon sa simbahan mapapanood naman ito sa kanilang social media page.

--Ads--

Kagabi ang huling public viewing sa mga abo ng labi nito sa St John Cathedral na dinaluhan ng ilang mga deboto.

Mahigit isang dekada na nanilbihan si Cruz bilang arsobispo sa Lingayen Dagupan archdiocese.

Naging pangulo rin siya ng Catholic Bishop Conference of the Philippines bago siya nagretiro noong 2009.

Nakilala rin siya dahil sa pagiging kritiko niya sa mga issues sa gobyerno.