BOMBO NEWS ANALYSIS – Kapwa nasa kustodya na ng mga kinaookolan sina Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy at dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo – pawang mga kontrobersyal na tao na naging laman ng mga balita .

Ngayong nasa kustodya na sila ng ating gobyerno, marahil matutukan na rin ang iba pang fugitives na may kinakaharap ding kaso sa bansa.

Gaya na lamang ni Dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag na itinuturong umano’y utak sa pagpatay ng mamamahayag na si Percy Lapid.

--Ads--

Inakusahan si Bantag na sangkot sa pagpatay sa broadcast journalist na si Percival “Percy Lapid” Mabasa na tinambangan habang lulan ng kanyang sasakyan sa Las Piñas City noong Oktubre 3, 2022.

Gaya nina Guo at Quiboloy ay mahirap ding matunton ito sa kabila ng manhunt operation laban sa kanya. Kung matatandaan ay sinalakay ng National Bureau of Investigation ang pinaghihinalaang hideouts ni Bantag sa Laguna at Caloocan City para isilbi ang arrest warrant laban sa kaniya.

Subalit hindi nakita ang dating BuCor chief sa parehong bahay nito sa nasabing mga lugar.

Sa isang posibleng hideout ni Bantag sa Santa Rosa, Laguna, gumamit din ang NBI ng sledgehammer para mapasok ang bahay. Subalit wala taong nakita sa loob ng bahay subalit natagpuan ng mga operatiba ang ila mga bala at ilang kalibre ng baril at personal na gamit na pinaniniwalaang pagmamay-ari ni Bantag.

Minsan pang napatunayan na pantay ang pagpapairal ng batas sa sinumang pangkat ng tao mahirap man o mayaman, bata o matanda may kapansanan man o wala sa kaso nina Guo at Quiboloy kaya ganito rin ang sapitin ng nagtatagong si Bantag.

Kaya araw na lang ang binibilang din ni Bantag basta hindi tutulugan ng mga otoridad ang paghahanap dito ay tiyak ay mahuhuli rin kahit saan ito magtago.