DAGUPAN CITY-     Sugatan ang isang dating barangay kagawad matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa barangay Bonuan Binloc dito sa lungsod ng Dagupan, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si dating barangay kagawad Herman Torio, may asawa at residente ng Sitio China, Bonuan Binloc Dagupan City.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya , nangyari ang pamamaril sa tapat ng isang Water Station  sa Barangay Bonuan Gueset.

--Ads--

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala  mula sa hindi pa  tukoy na uri ng  baril at agad na dinala sa  Region I Medical Center.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insdente.