Ideneklara bilang persona non-grata ang dating Acting Chief of Police ng bayan ng Sto Tomas na si Pol. Captain Freddie Lorenzo matapos umanong makarating ang mga hindi magagandang nagawa nito habang ito ang nagsisilbing hepe sa nasabing munisipalidad.

Sa naging pahayag ni Sto. Tomas Mayor Timoteo Villar III, ilan lamang sa mga naiparating sakaniya na ginawa nito ay ang pambubully nito sa isang menor de edad na anak ng isa sa kanilang subject for search warrant operation. Pag-raid sa mga lamayan at pagsita sa mga ito na nakakalabag sa road obstruction ngunit sa nakikita naman umano nila ay hindi naman maituturing na paglabag dahil hindi naman permanent structure ang mga ito.

--Ads--

Bukod pa rito ay marami pa umanong ibang mga natatanggap na reklamo mula sa kanilang mga kababayan kaugnay sa naturang hepe.

Isa pa umano dito ay nalaman din ng alkalde na gumawa din ito ng misleading na spot report kaugnay sakaniyang pagsusurrender ng baril sa himpilan ng pulisya.

Dagdag ng alkalde, sa ngayon ay hindi pa siya personal na nagsampa ng kaso kay Pol. Captain Freddie Lorenzo ngunit sinabi naman nito na ilang beses din itong nagtangka na siya’y makausap ngunit giit ng alkalde na wala ng rason pa para silay magkausap.

Sto. Tomas Mayor Timoteo Villar III