Iginiit ng grupong PISTON na dapat nang tanggalin ang probisyon sa usapin ng Oil deregulation law.

Ayon kay Mody Floranda, national president ng Piston, ang nasabing batas ay nagdudulot ng patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Hinihiling nitokay Pangulong Rodrido Duterte na bago sana siya bumaba sa puwesto ay maglabas ng executive order na isuspindi ang implementasyon ng pagpapataw ng mataas na buwis sa langis.

--Ads--

Hamon naman niya sa susunod na administrasyon na pag aralan at rebisahin o amiyendahan ang mga probisyon na nakapaloob sa nasabing batas dahil nakatali ang kamay ng DOE sa oil deregulation law.

Sinabi ni Floranda na hindi lamang mga driver makikinabang dito kundi lahat ng mamamayan dahil kasunod nito ay ang posibleng pagbaba sa tresdyo ng mga pangunahing bilihin.

TINIG NI MODY FLORANDA