Tinatayang magdulot ng pagkalugi ng $20 billion sa taunang revenue ang pinsala sa pinakamalaking liquefied natural gas (LNG) ng Qatar.
Ito ay kasunod ng mga pag-atake ng Iran sa Ras Laffan Industrial City sa Qatar na nagdulot ng malaking pinsala sa mga pasilidad ng LNG, na nagkakahalaga ng tinatayang $20 bilyong na mawawalang kita taun-taon.
Ang pinsala ay nagpababa ng 17% sa kapasidad ng pag-luwas ng LNG ng bansa, na inaasahang aabutin ng 3 hanggang 5 taon para kumpunihin.
Napinsala ng mga pag-atake ang dalawa sa 14 na LNG train ng Qatar at isang gas-to-liquids (GTL) facility.
Bunsod nito, nabawasan ng 12.8 milyong tonelada bawat taon ang produksyon ng LNG.
Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng malaking pagtaas sa mga presyo ng enerhiya sa mundo dahil sa pagkaantala ng suplay mula sa Qatar










