Matagumpay na naaresto ng Villasis PNP ang dalawang wanted person na kumakaharap sa kasong Acts of Lasciviousness at 2 counts of Estafa Through Falsification of public document.
Ayon kay PMAJ. Edgar Allan Serquina, COP, ng Villasis PNP kinilala ang mga akusado na si Rico Ian Origines Apostol, 26 years old, residente ng barangay amamperez.
Inireklamo ito ng kaniyang ka MU o mutual understanding matapos na magpakita ng ibang motibo na siya namang pinasinungalingan ng naturang akusado.
Wala daw itong ibang intensyon sa biktima at marahil ay namis interpret niya lamang ito.
Gayunpaman, tuluyan ng nakapaghain ng kaso ang biktima at sa ngayon ay nananatili sa Villasis PNP ang suspek para sa kaukulang disposisyon habang maaari naman itong makapag lagak ng kaniyang piyansa na nagkakahalaga ng P36,000 para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.
Samantala, sa magkahiwalay na operasyon, tuluyan na ding nasakote si Marites Briones Mones, alias Estrelita Dorupan, 52 years old, may asawa at residente ng barangay zone 3 barangay San Nicolas, Villasis Pangasinan sa kasong 2 counts of Estafa through falsification of public documents.
Ayon kay Maj. Serquina, maka ilang ulit na nilang nahuhuli ang suspek dahil sa ibat-ibang kaso nito, siya din noon ang nahuli nila dahil sa nagawa nitong pag forged o pamemeke ng pirma ng alkalde ng bayan ng Villasis.
Sa kanilang imbestigasyon, napag alaman na ang kaniyang siste o modus, kapag naka kuha aniya ito ng mga title ng lupa, kaniya itong sinasangla at hindi niya ibinibigay ang perang napag bentahan.
Dahilan naman ng akusado kung bakit nito nagawa ang krimen ay bunsod ng kahirapan sa buhay.
Sa ngayon ay nasa kustodiya pa din ito ng Villasis PNP.