Arestado ang dalawang indibidwal sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Sison Municipal Police Station (MPS) sa Brgy. Amagbagan sa bayan ng Sison,
Kinilala ang mga suspek na isang 18 anyos na lalaki, walang trabaho, binata, at isang 23 anyos din na lalaki na construction worker, binata, at parehong residente sa bayan.
Sa bisa ng koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1 (PDEA RO1 matagumpay na naisagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek.
Nakumpiska sa operasyon ang mga sumusunod gaya ng nasa 0.60 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na PhP4,080.00 na nakalagay sa isang heat-sealed transparent plastic kabilang din ang mga Non-Drug Evidence gaya ng isang piraso ng PhP500.00 bill bilang buy-bust money, apat na piraso ng PhP1,000.00 bills bilang boodle money, Dalawang cellphone, isang set ng susi, Isang motorsiklo na pinagsamang mga kulay na itim/ puti at Isang piraso ng walang laman na box ng sigarilyo
Sa ngayon ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Sison MPS at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.