Nakapagtala ng landslide sa bahagi ng Sitio Dar-Awan at Sitio Colibong sa Villa Verde Road, Malico, sa bayan ng San Nicolas dahil sa nararanasang pag-uulan sa lalawigan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Shallom Balolong – MDRRM Officer sa nasabing bayan maaaring ito ay dahil sa malakas na pag-ulan dahilan upang lumambot ang lupa.
Bagama’t ay walang naitalang nasaktan ay tuloy-tuloy naman ang kanilang isinasagawang monitoring lalo na sa mga landslide prone areas sa bayan.
--Ads--
Sa ngayon ay two lane passable naman ang naaapektuhang mga kakalsadahan subalit nagpaalala ito na mainam na huwag ng dumaan dito kapag maulan.
Agad din namang nagsagawa ng clearing operations ang DPWH at pinag-iingat ang mga motorista sakaling maulit ang insidente.