Dagupan City – Patuloy na nagpapagaling sa pagamutan ang dalawang indibidwal na sakay ng isang suv matapos na sumalpok ang sasakyan sa isang Bahay sa bayan ng Bugallon.
Ayon sa naging panayam kay Plt. John Zacarias ang siyang Operations Officer, Bugallon Police Station na naganap ang insidente alas-4:50 ng hapon sa may kahabaan ng Brgy. Magtaking sa naturang bayan. Kung saan kinasangkutan ng isang itim na Mitsubishi Montero, na minamaneho ni Alvin Criz Dela Cruz, 42 taong gulang, kasama ang pasaherong si Elmer Mercado Cruz, 45 taong gulang, parehong residente ng Brgy. Bolo, sa bayan ng Labrador.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad na iniwasan umano ng driver ang pedestrian habang tinatahak nito ang kakalsadahan patungong Labrador na nagdulot sa drayber na mawalan ng kontrol sa manibela at bumangga sa bahay na pagmamay-ari ni Merly Velasco, 64 taong gulang,
Bilang resulta, ang drayber at ang kanyang sakay ay nagtamo ng mga sugat at dinala sa pinakamalapit na hospital. Bukod dito, ang mga nasangkot na sasakyan at ang bahay ay nagkaroon ng pinsala at kalaunan, ang Mitsubishi Montero ay dinala sa Bugallon PS para sa wastong disposisyon.
Nagpapalala naman ito sa mga motorista na maging maingat sa pagmamaneho at gayundin sa mga indibidwal na tumatawid sa mga kakalsadahan upang maiwasan ang mga aksidente na posibleng mangyari.