Natupok ang dalawang residential building matapos sumiklab ang sunog pasado ala una ng hapon, April 6 sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Kinber Anne Combate Fire Marshall, may mga tumawag na concerned citizens sa kanilang tanggapan hinggil sa nangyaring sunog kaya’t agad nilang tinunguhan.

Kung saan pagkarating nila ay malawak na ang naging pinsala ng apoy kaya’t itinaas nila ito sa ikalawang alarma.

--Ads--

Bagama’t ay mayroong flammable liquid sa pinangyarihan ng inisdente kaya’t aniya ay may mga narinig na pagsabog.

Lumalabas din na katabi ng naturang bahay ang isang house gasoline station na hindi naman inabot ng sunog bagkus ang dalawang residential building lamang na pagmamay-ari ng isang tao.

Sa kasalukuyan ay patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad sa naging sanhi ng sunog.

Paalala naman ni Combate sa publiko na mainam na alamin ang kanilang hotline number dahil mahirap kung pupunta pa sa kanilang tanggapan upang sabihin ang pangyayari gayong mabilis na kumalat ang apoy.