Binulabog ng 5 hoax bomb threat ang mga polling stations sa Fulton County, Georgia na nauwi sa temporary evacuation ng dalawang estasyon.

Ayon kay Nadine Williams, director of registration and elections sa nasabing lugar, umaga pa lamang nang nagkaroon umano ng 5 non-credible bomb theats.

Humantong naman ito sa pansamantalang paglikas ng dalawang lokasyon nang humigit-kumulang 30 minuto bawat isa sa swing state.

--Ads--

Batay sa mga ilang otoridad, isa umanong “Russian origin” at motibo umano nitong gulohin ang amerika.

Kanila namang tinrabaho agad ang paghingi ng utos mula sa korte na madagdagan ng karagdagang oras ang botohan sa mga apektadong lugar, kung saan hiniling nilang magtapos ito ng 7:30 ng gabi sa kanilang oras.

Samantala, nagkaroon naman ng technical issues sa Cambria County, sa Pennsylvania at hindi ma-scan ang balot ng mga botante.

Dahil dito, naghain rin ng court order ang mga electoral officials na mag-extend din ang kanilang voting time.