Arestado ang dalawang lalaki sa Michigan dahil sa kanilang pagbabanta kaugnay sa halalan.
Kinilala ang unang suspek na si Isaac Sissel na di umano kilala bilang si “ShootUpTrumpRally” sa isang social media na Reddit. Aniya sa mga imbestigador, naniniwala siyang mas magiging mabuti ang lahat kung mamatay na lamang si US Presidential Candidate Donald Trump.
Habang ang isa naman ay kinalala naman na si Christopher Clay Pierce. Arestado naman siya dahil sa pagbabanta sa isang Political Action Committee (PAC) na may kaugnayan sa mga Democrats sa nakalipas na 2 taon.
Samantala, isa namang lalaki sa Capitol visitor centre, Washington DC ang inaresto rin ng mga otoridad matapos nitong mangamoy gasolina at makitaan ng isang flare gun.
Ayon pa sa mga otoridad, tumigil umano ito sa screening process nito sa nasabing lugar.