DAGUPAN CITY- Sa kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa operasyon na isinagawa ng Police dagupan sa lungsod.
Ayon sa Pulisya, isinagawa ang isang buy-bust operation laban sa ilegal na droga ang mga tauhan ng Dagupan City Police Station (CPS) kasama ang PDEA-RO1 sa Sitio Aliguas, Barangay Pantal, Dagupan City
Sa operasyon, naaresto ang dalawang suspek na isang 54 anyos na lalaki, at nakatira sa Sitio Aliguas, Barangay Pantal, at ang 40 anyos tricycle driver, at nakatira sa Sitio Guam, Barangay Pantal.
Nakuha mula sa mga suspek ang apat na piraso ng heat-sealed na transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crisstaline substance na pinaniniwalaang “shabu.”
Narekober din ang isang Php500.00, sampung piraso ng Php1,000.00 na boodle money, isang itim na coin purse, at isang kahon ng sigarilyo. Ang mga ebidensyang ito ay ipinasakamay sa mga otoridad bilang bahagi ng operasyon.
Ang mga naarestong suspek ay dinala sa Region 1 Medical Center. sa Sitio Palatong, Bonuan Binloc sa lungsod para sumailalim sa pisikal at medikal na pagsusuri. Pagkatapos ng pagsusuri, sila ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa tamang disposisyon ng kaso.
Isang reklamo para sa paglabag sa Seksyon 5 ng Art. II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang ihahain laban sa mga suspek na nahuli sa operasyon.