Mga Kabombo! Mahilig ka ba sa mga themed birthday party?

Iyong tipong out of this world ang tema?

Naku! Tiyak na matutuwa ka sa balitang ito dahil hindi nagpahuli ang dalawang Kodiak bears a sina Munsey at Boda nang magkasunod na magdiwang ng kanilang ika-10 na kaarawan na may temang sikat na larong “Minecraft”.

--Ads--

Kinatuwaan sa loob ng Wildwood Park & Zoo sa Wisconsin sa Estados Unidos ang kakaibang selebrasyong ito ay may temang dahil tila ipinagdiriwang ng dalawang kanilang childhood.

Dahil sa kanilang nakakatuwang party, lubos na nag-enjoy ang mga bear sa mga laruan at pagkain na kahawig ng mga bagay mula sa Minecraft.

Ayon sa zoo, ipinanganak ang dalawa sa Alaska noong 2015, at nang pumanaw ang kanilang ina, sila’y nailigtas at dinala sa zoo.

Ang kanilang kapatid na babae naman ay nakatira sa Toledo Zoo kasama ang mga grizzly bears.

Dahil sa pangyayari, mas pina-igting ng zoo na gawing espesyal ang kanilang kaarawan.