DAGUPAN CITY- Nasawi ang ang isang menor de edad at 25 taong gulang na lalaki sa bayan ng Calasiao sa isang banggaan sa nasabing bayan.
Ayon kay PLT Julfre E Ayson, Investigation Officer ng Calasiao PNP, kapwa binabaybay ng dalawang sasakyan ang south bound lane ng sa Arenas Boulevard, Brgy Bued ang isang motor na minamaneho ni Uel Xybryx Desbarro Alvarez, 17 taong gulang at residente ng Brgy. Palong Melag, sa bayan ng Malasiqui na bumangga sa kasalubong na motor na minamaneho naman ni Virgilio Gonzales Baboza, 25 yrs old at residente ng Brgy Bacayao-Norte, Dagupan City.
Nagresulta ang insidente ng isang head-on collision at nakapagtamo ng matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
Agad naman na dinala ang dalawa sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.
Dagdag pa nito na kapwa walang dalang lisensya ang dalawa at suot na helmet nang mangayri ang insidente.