Nahuli ang dalawang lalaki sa bayan ng Tayug dahil sa paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code o ang Resistance and Disobedience to a Person in Authority.

Kamakailan ay nagsasagawa ng checkpoint operation ang mga tauhan ng Tayug Police Station sa Brgy. Panganiban nang tangkain nilang pahintuin ang mga suspek na parehong 19-anyos at sakay ng tig-isang motorsiklo.

Hindi umano sumunod ang mga suspek at tumakas, dahilan upang habulin sila ng mga pulis hanggang sa mahuli.

--Ads--

Dinala ang mga suspek sa Eastern Pangasinan District Hospital sa Tayug para sa medical examination at pagkatapos ay dinala sa Tayug Police Station para sa kaukulang disposisyon.