Maaaring magpokus na lamang ang prosekusyon sa dalawang article of impeachment na natalakay na kung mapapatunayan nitong sapat at matibay ang mga ebidensiyang inilahad laban kay vice president Sara Duterte.
Ayon kay prof. Roland simbulan, chairperson ng center for people empowerment in governance, kung naniniwala ang mga prosecution lawyers na substantial na ang mga ebidensiyang nakalap sa dalawang article na halos natapos nang talakayin, maaari na itong maging batayan sa paghatol sa impeachment case.
Reaksyon Ito ni Simbulan sa plano ng prosekusyon na pag-isipang huwag nang isalang ang article 3 na tumatalakay sa umano’y bribery at mga iregularidad sa procurement ng department of education o deped.
Paliwanag niya na mabibigat ang mga lumabas na dokumento, testimonya at iba pang ebidensiya sa mga nakaraang pagdinig, kabilang ang mga detalyeng inilahad ng mga saksi. Kabilang dito si Atty. Michael Poa, na nagsilbi ring abogado at spokesperson ni vice president Sara duterte at itinuturing ng prosekusyon bilang hostile witness.
Aniya, may mga impormasyong lumabas sa mga pagdinig na anila’y nagpapalakas sa mga akusasyon laban sa bise presidente.
Inihambing din ni simbulan ang kaso sa impeachment trial noon ni dating Supreme court chief justice Renato Corona, na nahatulan kaugnay ng isang article of impeachment. Giit ni Simbulan, sa ilang kaso, maaaring maging sapat ang matibay na ebidensiya sa isang article upang magbunga ng conviction.









