Patay ang dalawang menor de edad na pawang mga estudyante matapos silang malunod sa Agno River, Brgy. Laoac sa bayan ng Alcala Pangasinan.

Kinilala ng nga otoridad ang biktima na sina Alfred Pinlac, 14 anyos, isang Grade 6 pupil at isang Adrian Palomino, 15 anyos, isang Grade 9 student at pawang mga residente ng Brgy. Tomling sa bayan ng Malasiqui.

Sa inisyal na imbistigasyon ng kapulisan ay lumabas na ang mga biktima, kasama ang tatlo nilang mga kaibigan ay nagkayayaan na maligo sa ilog.

--Ads--

Nag-dive umano ang dalawang biktima sa malalim na parte ng ilog at doon na sila nalunod dahil sa malakas na agos ng tubig.

Agad namang nakahingi ng tulong ang kanilang mga kasamahan na nagresulta upang magsagawa ng Search and Retrieval Operation ang MDRRMC sa bayan at ang Alcala Police Station.

Unang natagpuan ang wala ng buhay na katawan ni Palomino habang ilang minuto makalipas ay natagpuan na rin ang wala ng buhay na katawan ni Pinlac.-With reports from Cheryl Ann Cabrera