Dagupan City – Sugatan ang dalawang driver matapos magbanggaan ang isang motorsiklo at traysikel o (kulong-kulong) sa bayan ng Sison.

Kinilala ang mga driver na sangkot na isang 33-anyos kasal, laborer, residente ng Pozorrubio na minamaneho ang motorsiklo at isang 62-anyos kasal, farmer at residente ng Sison na nagmamaneho ng traysikel o (kulong-kulong).

Ayon sa imbestigasyon, binabagtas ng motorsiklo ang direksyon mula hilaga patungo timog, habang ang kulong-kulong naman ay binabagtas ang kasalungat na direksyon.

--Ads--

Naganap ang insidente nang biglang kumaliwa si kulong-kulong at tinamaan ng paparating na motorsiklo ng sidecar ng traysikol.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat ang dalawang driver at dinala sa ospital.

Nagtamo rin ng pinsala ang mga sasakyan, at inaalam pa ang halaga ng mga ito.