Magkasunod na natagpuan ang   bangkay ng dalawang  katao dito sa lungsod ng Dagupan.

Una rito nakitang palutang lutang sa bahagi ng ilog sa Tanap Bridge  sa Barangay Bonuan Gueset dito sa lungsod ng Dagupan ang biktima na si J erry Soriano,alyas “Trixia” 24 anyos , nagtratrabaho bilang kasambahay dito sa lungsod ng Dagupan at residente ng bayan ng Binmaley.

Ayon sa initial na ulat, bandang ala 11:41 kaninang umaga, nakatanggap ng report ang pulis ukol sa nakita ng ilang residente  kaugnay sa palutang lutang na  bangkay sa ilog.

--Ads--

May mga nakitang  sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan partikular sa ulo at likod.

Samantala, ilang oras ang nakalipas ay natagpuan din ang bangkay ni Michael Balolong, 24 anyos at residente ng Barangay Bonuan Boquig dito sa ciudad. Pinaniniwalaang napagkasunduan ng dalawa ang magpakamatay matapos umanong magkaroon ng kaalitan ang isa sa mga ito.

Natagpuan naman ang isang suicide note sa bahay kung saan nag inuman ang mga  biktima.