DAGUPAN CITY- Paano mo masasabing weird ang isang bagay?

Kailangan ba ng isang batayan?

Walang basagan ng trip dahil sa isang makulay na selebrasyon sa downtown Miami, binigyan ng pardon ang dalawang baby baboy, sina Glinda at Elphaba sa isang tradisyonal na ritwal mula sa mga kaugalian ng Cuban-American.

--Ads--

Hindi na kailanman magiging bahagi ng hapagkainan sa Noche Buena ng isang pamilyang Cuban-American ang dalawang piglet na ito, dahil ipinagkaloob ng Mayor ng Miami-Dade County bilang pardon.

Sa isang tradisyon na inspirasyon mula sa White House, kung saan taon-taon ay pinapalaya ang dalawang pabo tuwing Thanksgiving, ang mga baby pigs na may edad na apat na buwan ay pinarangalan at binigyan ng isang bagong buhay.

Si Glinda at Elphaba, na ipinanganak na may pangalan mula sa mga kilalang karakter sa isang musical show.

Habang ang mga baby pigs ay walang kamuwang-muwang sa mga tao na nagtipon sa paligid ng kanilang pansamantalang kulungan, tila mas nakatuon sila sa pagkain ng mga hiwa ng mansanas at orange na ibinigay sa kanila.

Bagamat wala alam sa mga kasayahan sa paligid, mahalaga ang araw na iyon dahil nasalba ang kanilang buhay.