Dalawang atleta ang nag-uwi ng unang gintong medalya para sa kani-kanilang rehiyon.

Si Chrisia Mae Tajaros ng Region 8, Eastern Visayas (Leyte), ay naluluha sa kanyang tagumpay matapos makuha ang unang gintong medalya sa pagtakbo ng 3,000-meter sa secondary girls.

Si Tajarros ay mula sa Tanauan National High School sa Leyte.

--Ads--

Nauna siyang pumangalawa sa na nakakuha ng Silver Medal sa Palaro noong 2024 sa Cebu kung saan maituturing na isang malaking pag-angat ito para sa kanya.

Samantala, sa Para Games, si Jared Quezon ng Region IV-A o CALABARZON ang nagkamit ng unang gintong medalya.

Ang 18-taong gulang na atleta mula sa Sta. Rosa City, Laguna ay nagtala ng 5.86 metro sa long jump T13 category (para sa mga atleta na may katamtamang kapansanan sa paningin).

Isang makasaysayang tagumpay ito para kay Quezon, na unang beses na sumali sa Palaro.

Ang mga tagumpay nina Tajaros at Quezon ay nagsisilbing inspirasyon sa lahat ng mga kalahok sa Palarong Pambansa 2025, na nagpapakita ng dedikasyon, tiyaga, at kahusayan sa larangan ng palakasan. Inaasahan ang mas marami pang kapana-panabik na laban sa mga susunod na araw.