Kasado ang dalawang araw na tigil pasada ng grupong MANIBELA sa darating na Setyembre 14-15.
Ang nasabing tigil pasada ay bilang pagprotesta laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.
Sinabi ni MANIBELA president Mar Valbuena na malinaw na nagiging inutil ang Department of Energy (DOE) dahil hindi nito pinipigilan ang taas presyo ng produktong petrolyo.
--Ads--
Pinuna din ni Valbuena ang fuel subsidy ng gobyerno dahil sinisingil din sila ng mga gasolinahan.
Umaasa si Valbuena na susuportahan sila ng ibang transport group para sa pagkalampag sa gobyerno dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong langis. Via Bombo Jovino Galang










