Narekober na ang  bangkay ng dalawang  nawawalang bata na kasama ng tatlong nalunod sa barangay Salinap sa lungsod ng San Carlos.

Ayon kay Lt. Col. Garie Noel Pascua, chief of police sa lungsod ng San Carlos,  natagpuan ang katawan ni  Raymart Peralta noong Nov 14 sa  bayan ng Bugallon  habang nitong Nov 15,  natagpuan ang katawan ni Dionisio Lacaba sa barangay  Bocboc, Aguilar.

Base sa imbestigasyon, nagkakayayaan umano ang lima na maligo sa ilog, pero aksidenteng napunta sa malalim na bahagi ng ilog ang mga biktima.

--Ads--

Nahulog umano ang bola sa ilog habang sila ay naglalaro kaya kukunin sana pero ito  ang naging dahilan para sila ay malunod.

Una ng narekober ang bangkay nina Gemma Sunida, 10 anyos, Jaypee  Lacaba, 12 anyos at Sheryl Perania 30 anyos, pare parehong residente ng baranay Salinap.

Nanawagan naman si Pascua sa mga nagtutungo sa lugar na hanggat maaari ay iwasang maligo sa nasabing ilog dahil malalim at delkado.

Napag-alaman na taun taon ay may nalulunod sa lugar.